Thursday, October 11, 2007

Sa problema, kontradiksyon at pagiging tanga

Halos gabi-gabi kong iniiyakan ang mga bagay-bagay. Napakaraming kontradiksyon ang kailangan kong bakahin. Pero hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko naman ang lahat ng ito. Gusto ko ng pagbabago. Gusto ko ang ginagawa ko. Kaya kung isang araw bigla na lang akong maglaho, sinisigurado ko na wala akong pagsisisihan dahil nagmamahal lang naman ako ng lubusan.

Isa akong bata na pinalaki sa maayos na tahanan, sa masayang pamilya at matinong mga paaralan. Pero sa kabila ng langit na kung saan ako lumaki, namuo sa akin ang galit na hindi ko malaman kung saan nagmumula. Kahit kailan, wala pa akong kinaharap na malaking problema.

Naalala ko noong nasa ika-6 na baitang ako, sa amin retreat, pinagsalita ang bawat isa sa harap. Kailangan naming sabihin ang aming mga hinaing sa aming mga magulang na kasama rin namin sa kwarto. Hindi ko alam kung anong masasabi ko. Gusto ko sanang arestuhin ang palagian nilang pagpunta sa mga prayer meetings at pag-iwan sa amin tuwing gabi pero isang retreat iyon. Sa oryentasyon ng simbahan, mabuti ang pag-alis ng mga magulang at pag-iwan sa mga anak sa gitna ng gabi dahil ang mga ito ay para naman magdasal at kumanta ng papuri sa Diyos. Kaya sinabi ko na lang na sa pakiramdam ko, wala silang tiwala sa akin dahil palagi nila akong pinagbibintangan na may ka-relasyon.

Kababawan.

Ganoon lang yata talaga ang konsepto ko ng problema sa buhay. Hindi ko talaga maugat ang galit ko. At ang galit ng henerasyong ito ng mga kabataan.

Pero ngayon, malinaw na ang lahat. Ang lipunang ginagalawan natin, kahit hindi ramdam ng mga maliliit na burgesya na tulad ko ang kalam ng sikmura at ginaw ng gabi sa kalsada, ay pinalaki tayo sa marahas at mapanlinlang na pamamaraan.

Ang akala nating galit dahil iniwan tayo ng ating mga minamahal.
Ang akala nating galit dahil hindi tayo kasing-payat ng mga modelo sa telebisyon.
Ang akala nating galit dahil masaya lang makinig ng emo at maglagay ng eyeliner.

Lahat ng ito ay ebidensya kung paanong naaapi ang ating mga pagkatao ng mga paniniwalang isinusuksok ng lipunang ito sa atin upang manatili tayong bulag sa mga tunay na problema.

Problema ng mga manggagawang hindi nabibigyan ng karampatang sahod.
Problema ng mga magsasakang inaagawan ng lupa.
Problema ng mga ama at inang kailangang pumasa-ibang bansa.
Problema ng mga nadedemolisiyong bahay.
Problema ng mga taong pinagkaitan ng maayos na buhay para sa ikauunlad ng iilan.

Lahat ng ito, buong buhay na isinilid sa isang kahon na tinatawag na HINDI KO BUHAY. Pero alam ko na na mali ito. Ayoko nang mabuhay para sa sarili ko lamang. Sabi ng nanay ko kanina, isang katangahan na problemahin ko ang problema ng buong Pilipinas. Kung isa itong katangahan, napakatalino lang pala ng karamihan. At kung totoo nga ito, mas pipiliin ko pa ring maging tanga. nang paulit-ulit. nang tuluy-tuloy. nang walang tigil hangang sa aking huling hininga.

Sunday, October 07, 2007

ang pagbaba

Pagpasok ko sa kwarto, parang nabalik ako sa panahong nagkukulong ako at nagpapatugtog ng malalakas na musika ng mga banda mula sa malalayong lupain. Nakikita ko pa rin ang mga nakakalat kong babasahin kahit sa totoo, binenta na ang mga iyon ni Ina nang lumisan ako, nang matanggap na niya na lumisan ako.

Binuksan ko ang aking tukador, tila walang nagalaw. Kakatuwang isipin na hindi ko pa rin nagagalaw ang mga nabili kong damit mula sa Divisoria. Sumweldo kasi ako noon at para makarami sa bagong damit, doon ako namili. Hindi ako dumalo sa isang mob para lamang magawa iyon. Sayang talaga lalo pa't hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataon na masuot sila. Iyon rin kasi yung panahon na nawalan ako ng ganang mag-ayos ng sarili. Ganoon naman hindi ba, 'pag alam mong mas maraming bagay ang mas mahalaga pa kaysa sa pag-iisip ng isusuot mo.

Napalingon ako sa kama at wala itong sapin. Nasaan na kaya yung tinahi ko dati? Sayang rin nga pala ang makinang niregalo sa akin nila Ama, siguro nangalawang na lang sa kahon. Wala naman kasi sa mga kapatid ko ang may tiyagang manahi at magdisenyo ng mga damit. Sa bagay, kahit ako, nawalan na rin ng interes. Mas masaya yatang maggamas at magtanim.


Sa isang sulok nakatambak ang mga ginuhit kong larawan. At dito, hindi ko na nakayanan. Mabilis ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata, tila ba pagdaloy ng dugo ng mga sugatang kasama. Matigas na ang mga munti kong palad, hindi na bagay humawak ng pintura at mga materyales sa paglikha ng sining.

Totoo ngang marami akong naiwanan.

Kumatok ang nakababata kong kapatid at sinabing kakain na raw. Dagli akong nagpahid ng luha at nagligpit ng mga kinalat kong mga piraso ng alaala. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa hapag-kainan kung saan nakaupo na ang lahat ng miyembro ng aking pamilya. Gusto nang sumabog ng mga katanungan ko sa dibdib. Kumusta na ba ang pag-aaral, kalusugan, pag-ibig, kaibigan nila? Panganay pa rin talaga akong kapatid ng mga naglalakihang batang ito. Hindi na kami nag-aagawan sa upuan at nag-aaway sa kung sino ang tatayo para kumuha ng kanin. Tahimik na kami. Hindi na kailangan pang sawayin. Kung buhay pa sana silang dalawa, paniguradong matutuwa sila.

Nang ibaba ko ang kutsara't tinidor sa gilid ng plato ko, biglang nabasag ang katahimikan sa tanong ng bunso kong kapatid.

"Ate, babalik ka pa doon?"

Saturday, October 06, 2007

Those who shy away from the contradictions of the current political system in the Philippines, I dare you to remain in your comfort zones once this very system is shattered. When we raise the flags of the oppressed and tear down the one belonging to the oppressor, you must not watch for your eyes was kept shut while we were shedding blood, tears, lives. We are not your enemies, yet you treat us with great disdain, fearing the very idea of being attached with us. More than our demonized image, this reflects how skewed your views are and how you seem to leap into conclusions without critical analysis of things. We are not to blame. We are those who push for change, an idea so bitter to your thoughts yet you rant and rant about this society yet you always press the idea that you have no choice. We all have choices, if only you are brave enough to fight for them.

kilala mo pa rin ba ako?


na para bang hindi na darating pa ang umaga
na siyang nakatakdang sumikat

ngunit sa isang tabi, isang kandila ang nagniningning,
nagpupuyos sa munti niyang gilid
nililiwanagan ang nauupos na pag-asa
na paggising sa umaga, babatiin ako
at hahagkan na parang walang naganap na kaguluhan

kalayaan
___

operation: buhayin ang blogger na blog

___

hindi naman sa marami akong oras kaya bubuhayin ang isa pang blog. marami lang kasi talagang nagaganap at maraming masasabi. ayokong nang maupo na lamang sa isang tabi at mangming isigaw na mga paksyet kayo! ambulok ng sistemang ito!

___

masarap ang pakiramdam na hayag mong naisisigaw ang nais mo.

Monday, March 26, 2007

back to LJ

Will be posting in my LJ for now. Add me if you have an account there.
(still thinking if I'll be cross-posting my entries in multiply or not)

Sunday, March 18, 2007

The largest I've seen


This mausoleum is so big, the caretakers call it "megamall."

Grabe talaga. Kahit we already know that it's size is equivalent to 6 normal-sized mausoleum, overwhelming pa rin nung nakita namin in person. Hindi ko nga mapagkasya sa isang frame. I had to photostitch three photos para lang ma-capture ng buo. Nakikita niyo ba yung red things sa gitna ng photo? Yan ang mga groupmates ko. Ganyan sila kaliit at ganyan ka-massive ang mala-palasyong himalayang ito.

By the way, isa pa lang ang nakalagak diyan. Yung matriarch yata nung pamilya. Tapos, nakareserve ang 40 bonebanks, at ilan pang nitso (I forgot kung ilan eh basta lampas 10 yata).

LIKE WOAH.

The mausoleum has a bedroom sa second floor, above the kitchen. Kumpleto talaga with CR, dining room, etc. May mga expensive objects sa loob like coffee tables na ceramics ATA yung material basta mukhang mamahalin.

Sa tapat nung main door, merong malaking cross. sa left side ng cross,may statue ni Mary. Sa right side, si Buddha. Hydrid di ba. Sa taas ng altar na ito ay isang dome na pinagawa pa nung may-ari sa ibang bansa.

LIKE WOAH AGAIN.
Can't help but wonder kung saan maaring mapunta pa ang perang ginastos nila dito...
Sa red cross kaya? Sa GK? Sa kythe? sa helping hands?
Tss...
Sabi nga ni Rom Dongeto (at HINDI ni colt45/pepsi endorser Bamboo),
habang may tatsulok...
ayun lang.

Monday, March 12, 2007


It's ego-crushing and heart-grinding to tell someone you like that you think you are not good enough (very long first sentence). Not that it's the first time I felt this. But this is the first time I actually did it. This is so depressing.

Maybe this is the first step towards decreasing my man-sized ego.

Oh wait. Not really. Last Wednesday, I apologized to my motorsports classmates because they blamed me for all the mishaps we had. I told them that maybe they weren't mishaps but errors-- my errors, because I am not that good in directions (maybe, just like them?). Imagine, I actually allowed Carlo to belittle me. I think, it gave him a very good feeling. Kind of refreshing for him (ok stop, I am being mean).

Another, on our way back to Manila, Caloi and I played pitik-bulag on the bus. I was such a loser. My hand was so red so I gave up. I told Caloi that he just found a game that he is very good at.

I am not really good at telling people that they are better than me. Most of the time, I shut my mouth instantly when I realize that. But now, I am trying to praise people more often.


a little preview from our trip
(yuck parang angspecial)


I still haven't uploaded our photos from the field trip because I am super busy right now. I had a fun time with Caloi. I think we had the most laughs (and giggles haha) on our "fuckkillmarry" game. I pirated the game from somebody's blog. and it goes like this: another person will give you three names and you will decide who among these three will you fuck, kill and marry.

I had the hardest time deciding on the first set that Caloi gave me. But I am proud to say that I chose to KILL "neo." Actually, after that, Caloi wouldn't include him anymore because he was sure to be killed. haha. double-dead.

Here were SOME of the sets I gave Caloi, try to guess how he assigned them:
mam moreno, mam dacquel, mam nuestro
oprah, PGMA, (I forgot the last one)
james, jonas, carlo
lorine, ruth, kimie (peace!)

Tuesday, March 06, 2007

mutual misunderstanding

Magaling magaling. Gustung-gusto na kitang palakpakan. Natutumbok mo ang lahat ng gusto kong sabihin (at hindi sabihin). Apir. Friends nga tayo.
















or not?

Thursday, March 01, 2007

for a period
no, this is not the end
of one month
not even self-imposed
the antonym of visibility
in terms of all existence there is
would be
if this is still within my control
missing it







Sunday, February 25, 2007



I'm in a state of shock.

Bakit ganoon?






















Corrupted yung DVD kung saan nilagay ko yung lahat ng photos ko from Gelene's birthday (Nov24), pag-alis ni Kate, Imma's debut, photoshoot with Kimie and HIV, fastfood sessions, lantern parade, Manila, Magallanes, vanity photos, Kimie's shooting, etc.. hanggang sa fanatic photo with Ping.

Nabura ko na lahat ng iyon sa pc at inenjoy ko pa yung crunchy sound ng empty recycle bin.




Thank God, may multiply.



Pero paano na yung mga hindi ko pinost sa multiply?





Moments attempted to be preserved are now moments eternally lost.

Sad.

Nakakapanlambot ng tuhod...



Saturday, February 24, 2007

It's time to post a sad song

Far away you've gone, and left me here
So cold without you, so lonely dear
May June July I count the time
Every minute I go takes the smell of your clothes
Further away

'Cause you've gone away
Where there isn't a telephone wire
Still I wait by the phone
You don't even write to say goodbye
Goodbye

I have saved every piece of paper
Like grocery lists and note cards
To do lists and race scores
So just in case you change your mind
And come back, I've kept everything safe

While you're gone away
Where there isn't a telephone wire
Still I wait by the phone
You don't even write to say goodbye

Get me out get me off
Get me out get me off
Oh this is a ride going nowhere
But somewhere that I despise
Going nowhere to end up with a tearful
I don't wanna go on with these pieces of paper
That you left behind

This is a ride going nowhere
But somewhere that I despise
Going nowhere to end up with a tearful
I don't wanna go on with these pieces of paper
To keep me company in my old age

While you're gone away
Where there isn't a telephone wire
Still I wait by the phone
Why don't you write to say goodbye
Goodbye

gone away
my brightest diamond

Wednesday, February 21, 2007

Who was with Ping Medina?

Napapaisip talaga ako dun sa ImaheNasyon, kung ano ba talaga yung kunek ng mga pinapalabas sa konsepto. Hindi tuloy namin naubos ni Mai ang aming nacho cheese at sourcream popcorn. Tsk. Pero matino talaga. At kung kras niyo si Ping tulad ko, isang higanteng eyecandy ito!

Spoiler man, pero paborito ko yung tungkol sa utak (Local Unit by Tad ErmitaƱo). Na by 2072, ang mga maralitang Pilipino, magbebenta na ng mga utak para lang mabuhay ang kanilang mga pamilya. Kahit wala si Ping sa film na iyon, ok lang. Ay nandun pala siya, nakaprint yung mukha niya sa tshirt. Isa ko pa ring paborito yung "Barado. " Kinuhanan siya sa isang CR sa Chem Pav. Kailan kaya yun ginawa, sayang hindi ko nakita.

I couldn't stop talking about Kate while we were on the trip. Kasi naman mula ng umalis siya nagabstinence na ako sa pagwiwindow shopping. Kanina na lang ulit..Isang malaking factor sa buhaybahay ko ang kaplpakan ng cellphone ko. Epal nga naman, sa tuwing may kailangang kitain sa UP mag-ooff. hmpf. Kapag tatawagan ako, malolowbat. Hay naku. Ayan tuloy hindi na ako makapag-after class lakwatsa. Kamalasan.

Narealize ko talaga kung gaano ako ka-giddy giddy girl. Sus naman. Antanda ko na pero ganito pa rin ako. So hayskul. So fangirl. No wonder nahulaan agad ni Ping na mga estudyante kami. Kung hindi lang talaga nagsshake ang mga kamay ko, gagayahin ko si Mai na nakipagshake hands. Augh. Di bale, shinake ko na lang rin hands ni Mai afterwards. haha.

Aysus, andaming kulay ng kuko ko kakagamit ng mga tester na nail polish. Pero hindi ko muna buburahin para remembrance ng araw na ito. Such a day. Salamat Mai!

click

Sunday, February 18, 2007

Is this 126?

I think I found a gorgeous photo with 126 in it. WOAH. The photo is from Jospeh's LJ. I don't really know him but he's from UP and he hangs out in "Chinatown." His photos were really great. Ayoko na sanang ipromote siya kasi I'm all insecure because he's on LJ spotlight pero I have no choice but to drop his link here. haha.

Kaso, about the photo, I'm having some doubts if this is really the person I admire from afar.

Nathania, si 126 ba yan?

But in case that person is not 126, well, I crush him too now! Sabi nga ni Kate, "The lips!"

On another note, nandito na naman ako sa phase na kinaaasaran ko ang sarili ko kasi nahihilig ako ng sobra sa photography.

Bakit ako naaasar?

Nadadalian ako sa proseso ng paggawa ng magagandang photographs. Point and shoot digital cameras at the magic of photoshop.

I always feel guilty when I enhance photos in photoshop. Purist na ideya. But I have nothing against utilizing photoshop's magic. I even use it myself. There's nothing wrong in taking advantage of the technological advances. But these advances also make it hard to distinguish people who are actually good in TAKING photos and those who are good at ENHANCING them digitally or those who are good at both. I have respect for the three kind but I really think that it is important to distinguish them from one another. Para sa akin, malaking pagkakaiba talaga.

I really can't help but love photographs, and taking them and posting them online. Kasi nga, it's easier to produce wonderful things from it, capture something from the material world and express things I have in my mind than drawing/sketching and writing. Ewan.

Before I end this incoherent post, I just want to say that Jared Leto's eyes and the lunacy encapsulated in them are amazing (in Requiem for a dream). The hottest person I saw in skinny jeans is Ewan Mcgregor (trainspotting). Ping Medina, I crush you but I'm too shy to drop a comment on your blog/multiply because I don't want to be a giddy fangirl (but I really am a giddy fangirl of yours!). hahaha.

Daming boys ah. Kasi walang boys.
Ay anlabo ko.

Thursday, February 15, 2007

The heart's day is done

This is kind of late but I hope all of you had a happy day.
I did!

Thanks to Hannah Caloi and Gelene.
(Plus the "itlog" that really made me laugh!)
"learn how to segregate your hearts"
at Vinzon's Hall while waiting for Gelene
onti na lang macoconvince na ulit akong mag-LJ.
hahaha

Wednesday, February 14, 2007

balentimmmmes kwento

Hindi siya nananalamin kanina nung dumungaw ako mula sa bintana ng bus na sinasakyan ko. Saplot ko ang usok at alikabok mula EDSA hanggang C5, pati ang kagustuhan kong kumaripas ng takbo palayo sa mundo.

Masasabi kong ayaw ko na magpaistorbo.

Kaso kasi araw-araw kong inaabangan ang pagdaan sa Honeylette. Gusto kong nakikita siya na sumasayaw sa harap ng salamin. Kahit nakakabadtrip.

Tuwing ganoon ang sitwasyon, parang napakasaya niya. Hinahaplos niya ang kanyang buhok na parang walang inaalala, parang alam niyang sa pagsapit ng dilim, marami ang magnanasa sa kanya.

Sa araw-araw na nakikita ko siya na masaya, naiinis ako sa ideya na andun siya, sa impyerno na naliligiran ng makamundong pagnanasa at kahirapan. Ako naman, pauwi sa isang tila paraisong tahanan, masayang pamilya, masaganang buhay, pero hindi ko man lang madampi ang kamay ko sa buhok tulad ng ginagawa niya.

Kanina, sabay ang lungkot at tuwa na naramdaman ko nung nakaupo lang siya sa harap ng Honeylette, hindi masaya, mukhang walang magawa. Paano, ang mga nagnanasa sa kanya, nasa bahay o di kaya sa mga romantikong kainan. Paano kasi balentimes. Araw ng mga puso. Pusong may may-ari.

Lahat sila may may-ari. Walang natira doon sa babae sa may Honeylette kahit pagnanasa. Kasi balentimes.

Nung maisip ko ang mga ito, tinanggal ko agad ang tingin ko mula sa kanya.

"Kulang na lang impyerno at kahirapan, wala na kaming pagkakaiba."

Tumingala na lang ako sa nangangalawang sa kisame ng bus. Sabi ko sa sarili ko, pauwi ako sa langit kaya hindi kami magkapareho. Hindi pwede. Hindi ako naghihintay kasi pauwi na ako. Pagod na ako sa buong araw na klase sa Masscomm. At bukas, gagawa ako ng langit sa lupa. At hindi ako maghihintay. Hindi kami pareho.



Pero pagmamasdan ko siya ulit bukas.