Saturday, July 29, 2006

what is optimism?

"what's wrong with living in a dream world?
---you have to wake up. "
(the secret life of bees)



















what's good about living in a nightmare?
--you can still wake up.

Thursday, July 27, 2006


hayyy.. sana maging masaya ka.
sana sana sana talaga! :D

Thursday, July 20, 2006

ARTWORK.

tomorrow will be a normal day.
normal.
normal.
normal.


i must not expect anything.









(pero secret lang natin ah. natatakot na talaga ako. kasama sa list ng fears ko ang pagpapakita sa ibang tao ng aking mga gawa. dapat minimal lang ang effort ko sa gawa na to para hindi ako masyadong maattach. hayy.. insecurities.)




sabi nga ni leo, bahala na ang justice league!

Saturday, July 15, 2006

life cycles

awww.. i almost ended my 3-year affair with blogger. for a couple of minutes, i decided to close this one and continue blogging in LJ. but then again, i realized how cute pics appear in blogger and other things..so, to maximize the beauty of blogspot, i decided to post our photoshoot pics.
pagpasensyahan niyo na, puyat lang kami kaya kung au-anong kalokohan na ginawa namin.


back when we were
young.
oh no no..younger.



(yeah, that's what i'm talking about.)

and learning about ties and edges,
and corkscrew and bottles..

enjoying the habits.
cycling everything from day to day to day.
then. suddenly.

we settle to be part of a pair.

to settle for interdependence.

Sunday, July 09, 2006

pakikiramay

nung tuesday may isang kawawang kitten na nasa tapat ng bintana ng kwarto ko. edi ayan, nalibang naman ako kasi kulay black siya tas anlungkot niya. picture perfect talaga! sige lang picture lang ako ng picture.

makalipas ang ilang minuto..
bumuhos ang ulan. nakakaawa siya kasi hindi pa developed ang eyesight niya. hindi niya alam kung saan siya pupunta. lalagyan ko sana siya ng pantakip para hindi siya mabasa kaso nga lang may harang ang window ko kaya hindi ko siya maabot. buti na lang lumapit siya.

tuwang-tuwa naman ako kasi feeling ko naligtas ko yung kawawang pusa mula sa malakas na ulan...

kahapon bago ako bumangon narinig ko yung mga bata sa labas: "ayy kadiri naman butas-butas pa yung katawan!" i was still in denial. ayaw ko pang tignan. tapos kanina nagreklamo yung kapatid ko, bakit daw ambaho. hanggang sa maamoy ko na rin.

ahhhh! hindi ko matanggap na pinaghirapan ko pang gawan siya ng pantakip sa ulan..nagasgas pa yung kamay ko. tapos mamatay lang pala siya! sa bagay, hindi naman niya siguro choice na mamatay agad. at sa bagay ulit, lahat naman ng pusa eh namamatay.

ambobo, pero parang nabuhay lang ata ang kitten na iyon para maging subject ng mga photos na ito. kaya ito, im extending the existence of that kitten, kahit man lang sa blog ko.

hindi man lang siya nabigyan ng name. huhuhu..

parang bigla tuloy akong natakot mamatay. yung pakiramdam na bigla na lang malilimutan ang lahat ng pinaghirapan mo nung buhay ka pa. sana mamatay ako in a dramatic way, as in kontrobersyal. ayaw kong mamatay dahil sa katandaan. gusto kong maging tulad ni Jesus at ni Plato na namatay at the peak of their fame (yaaak as if sisikat ako!) kaya naman yung legacy nila eh nagpersist. ayokong mabalewala ang buhay ko matapos kong mabuhay. kaya as much as possible, gusto kong dinodocument ang nangyayari sa akin para naman may memories!

hayy naku, yung kitten kasi eh!
sana nasa heaven na siya..