Anlamig ng panahon sa ngayon. At ito ay isang masayang bagay. Pwede na nating gayahin ang mga idol na F4 at maglayer layer baga ng damit. Pwede na rin tayong may scarf at bonnet, maski gloves pa tapos boots. Magandang excuse rin para yakapin ang katabi. Hindi nga lang maige na magsuot ng paldang pwedeng liparin ng hangin. Anu ba, para akong weather reporter/fashion consultant. Pero hindi . Gusto ko lang mangiti lalo pa't may mga taong tulad ni Ruth na gusto kong makita na naka off-shoulder daw na long sleeves dahil hinahayaan siya ng panahon. Siguro kung andito si Kate magugustuhan niya rin ang ganito. Siguro si Lorine hindi na yellow kundi ube na. Si Angeline kaya mas puputi? Si Leo siguro mawawala ang pimples dahil lesser oil. Si Kimie siguro nakababa ang windows at sumisigaw ng "Wooooo!" Si Gelene, finally, justified ang paglayer ng kasuotan. Ako, heto at giniginaw, nakabathrobe na galing sa Hawaii at iniisip kung kasama ko lang sana ang mga malalapit na kaibigan e di sana maiibsan ang pagkaulila ko sa kanila.