Thursday, March 23, 2006

Cut out your heart and wear it on your sleeve. At least people will know you are half alive.

(hahaha..walang kunek sa entry)

aii naku! wala na naman akong mata kakaiyak ko.. ahhh! hindi ko akalain na mapapaiyak ako ng ganoon dahil lang sa isang pelikula. parang mas marami pa yung volume ng luha na naiyak ko kesa sa iniyak nung lahat ng artista dun sa movie.. hayy.. ansakit sa mata.. may mga times pa nga na talagang humahagulgol na ako, na mas masakit pa yung iyak ko kesa dun sa iyak nung artista. aiii naku buti na lang at mag-isa lang akong nanunuod.. nakakahiya ang kaingayan ng iyak ko! these statements are not mixed with exagerration. ansakit talaga sa dibdib.

taas-noo kong sinasabi na hindi isang romance flick ang nagpaiyak sa akin. hindi ako umiyak dahil nakita ko yung heartbroken self ko dun sa major characters. hindi ako umiyak dahil naranasan ko yung pain nung mga characters. umiyak ako dahil yun ang dapat. wala nang iba pang dapat maging reaksyon sa movie na yun kundi umiyak. ahhhhhhh.. ansakit talaga. may subliminal messages ata ang pelikulang yon eh! wala akong makitang obvious reason eh..

ayy, hindi ko pa pala nasasabi kung anung movie yon..

magnifico. oh yesss.. yun nga. tear-jerker!

una kong narinig na nagsabing maganda ang movie na yon ay si chrystal. tagal na nun.. malas nga kasi nakwento niya yung ending. siguro kaya sobrang na-appreciate ko yung bawat eksena.. dahil alam ko na yung ending. never akong nanood ng cinema1 dati.. dahil lang sa magnifico. gusto ko kasing umiyak. sabi ko pa sa sarili ko, "naku, im sure iiyak ako dito! excited na ako!" oh men.. nung umiiyak na ko: "anu ba! tama na!" patas pa yan kasi may breaks yung movie, tipong titigil sa isang climactic part tas magsshowbiz news! nakakbitin nga eh.. pero umiyak pa rin ako ulit.

angganda nung movie kasi anggaganda ng mga characters na pinakikilala niya. walang kontrabida. walang tao na ikagaglit mo. walang kidnap scene, walang john lloyd-bea thingy(mga naiyak jan sa close to you ah!! hehehe).. angganda nung character ng bida, tpos galing pa umarte ni jiro. kasi yung character ginawa in such way na hindi siya iiyak para maiyak ka. sobrang na-amaze ako kay magnifico kasi napakabait niyang kuya. magbabago na nga ako kay RA..hehehe.. magiging mas mabait na akong ate!

actually, may kahati si magnifico sa fave charcter ko-- si carlo. hindi ko rin masyadong gets kung bakit eh. pero basta! favorite ko siya! dahil siguro sa.. teka! pag pinanuod nio na lang, isipin nio kung bkit ko siya favorite.(note: walang underlying mushy thing ang dahilan ah!)

anggaling ng script at plot. walang quotable quotes. kahit nga mga artistang naglulupasay sa iyak, wala. walang mga character na mala-philosophers kung magbitiw ng linya. naisip ko, naintindihan nung nagsulat na matalino ang audience na manonood ng pelikula, na kahit wla yung mga yun, eh mararamdaman pa rin nila yung urge na umiyak. at dahil nga sobrang talino ko, sobra rin ang pag-iyak ko! hahaha

hindi ko sinasabing panuorin niyo siya. kinukwento ko lang na napaiyak ako ng magnifico, na hindi pa rin ako manhid pagdating sa mga pelikula. basta kpag nalipat nyo sa cinema1 tas magnifico yung palabas, alalahanin niyo na yun yung movie na nagpaiyak sa akin. pwede niyo ring isipin kung gusto niyong panuorin. pero wag niyong pilitin ang sarili nio dahil lang sinabi kong maganda ah. at in case na-convince ko kaung manuod, please, damahin niyong maige ah?

it's worth your time.

__________
special thanks to kristahhhh... sa pagpapahiram ng internet card!