Kakaiba ang araw na ito. I love every minute detail of it. Mukhang natutunan ko na namang hanapin si Happyness sa mga bagay-bagay. Yey!
Nagsimula ang araw sa series of kamalasan. Traffic at walang masakyan. Sakto pa, reporting ko sa first subject. At heto pa, ni hindi man lang ako nagbasa nung irereport. Sa bagay, anu nga namang bago sa hindi ko pag-aaral. O basta ayun, lampas 30mins akong late, buti na lang late din lahat ng ka-group ko kaya hindi nagsimula. Pero naman, kabobohan ko. I misinterpreted something about Cesar Legaspi.
Prof: Sigurado ka ba diyan sa nabasa mo?
Me: Opo, nabasa ko po eh (at sa pagkakaalala ko nakabold pa yung text) na may Chiaroscuro collection of paintings si Legaspi.
Prof: Anung source mo diyan? Baka nalilito ka lang. LOLO ko kasi si Legaspi.
Me: OH. (nervously rummages her readings) Ay Ma'am sorry po.
I looked so stupid. Garr. I was even stuttering during the report. Kailan ko ba maacquire ang communication skills ng karamihan sa kolehiyo ko?!
(AY! While typing this post, I found out that the Chiaroscuro by Cesar Legaspi was really a series of paintings. Yes I was right. But still, I looked stupid. sheesh. I'll redeem myself next meeting.)
Habang pababa ako ng hagdanan pagkatapos ng klase na 'yon sobrang nahihiya ako sa sarili ko. Sinusumbatan ko siya: "Ah Anna Lee, ikaw ba yung may sabing MAHAL mo ang sining? Ni hindi mo nga maintindihan mga pinagsasasabi mo eh." OUCH.
Dinaan ko na lang sa pakikinig ng musika ang kahihiyan ko. Tapos, tumungo sa Arki para sa susunod na klase. Mga 2 oras pa bago mag-time kaya naman natulog muna ako sa himig ng What A Wonderful World na version ni James Morrison. It turned out na parang free day pala kami sa klaseng iyon kaya Jenny and I had an hour and a half to stray.
Guess where we went?
Inaya ko siya sa FA. BOOHOO sobrang pagfifeeling na yan ah. Jenny and I talked about artsy stuffs over her pieces of siomai. Fun!
Fast forward...
After my last class, I headed to our previous neghborhood to get the old SLR camera from my Tito. Yes, I got it! Bago ako makarating sa bahay, tinext ako ng tatay ko, isasabay daw ako. Hintayin ko daw siya sa XY coordinate na siya namang ginawa ko. Pero nung andun na siya, kinailngan ko pang gawing parke ang highway ng C5 para lang makarating sa kanya. Naglakad ako sa gilid ng island. Lahat ng mga truck driver sinusutsutan ako kasi napakaalanganin ng pinili kong maging catwalk. Maryosep.
Pero napakasaya ng pakiramdam-- na hindi ako natakot magmukhang tanga (at mamatay as well. haha).
Pagsakay ko sa kotse, dinaldal ko ang tatay ko tungkol sa mga artistic endeavors niya nung mga panahong kinamayan pa siya ni Imelda sa kahusayan niya sa isang painting contest. Pati artistic roots sa pamilya niya chinika ko. Natuwa ako sa ideya na yung isang kong tito nakatapos ng Mechanical Eng'g pero hindi siya nagpractice out of his "love for art." Sa pagkakaalala ko nagtayo siya ng business, silkscreen ata tapos may recording something. Hindi ko mawari ang terminolohiya, antanda na kasi. Sana buhay pa siya ngayon edi sana idol ko siya kasi hindi rin ako magppractice ng tatapusin kong kurso. HAHAHA joke (half-meant)!
Ayon. Pag-uwi namin ng bahay, pinageksperimentuhan ko yung... err hindi ko alam ang tawag. Basta mga heart-shaped stuffs at kung anu-ano pa. Kay saya talaga. Sabi ko dati sa sarili ko, Sabado lang dapat dinadama ang sining. Ay hindi ko kayang pigilan eh.
Anyone who knows kung anung tawag sa pa-epek na yan? Basta para siyang mga slides na minamount sa SLR, pero nilagay ko sa digicam. Haha
6 comments:
nakakahiya. i hate moments like those. pero part yan ng life. hehe.
yes, part of a life in its most perfect sense.
Natuwa ako sa ideya na yung isang kong tito nakatapos ng Mechanical Eng'g pero hindi siya nagpractice out of his "love for art." Sa pagkakaalala ko nagtayo siya ng business, silkscreen ata tapos may recording something.
>> wow, silkscreening~! parang ung daddy ni chary! kakwentuhan ko si chary ngayon dahil sa school-hopping namin for CR 110...at puro artsy fartsy stuff rin pinaguusapan namin. haha!
Sana buhay pa siya ngayon edi sana idol ko siya kasi hindi rin ako magppractice ng tatapusin kong kurso. HAHAHA joke (half-meant)!
>> oh my, i can sooo relate to this!! bwhahahaha!
Inaya ko siya sa FA. BOOHOO sobrang pagfifeeling na yan ah.
>> ito pa pala. ahahahahahaha!! dream school ko dun! (go second degree!) nakapunta ka nang FA week exhibits nila? nakakainspire magpursue ng art/crafts as a hobby! iisipin mo rin kasi na kaya mong gawin un e =3
APIR aleli! haha..tara second degree tayo?
hindi ko pa nakikita yung mga exhibit eh. matignan nga.
waw talaga si chary rin? para tayong magkakakulay ang dugo, mga naligaw sa commres. haha
at apir ulet.. tama ka, kaya rin natin mga ginagawa nila!
hi! stumbled upon this while googling my grandfather.my apologies for making you feel so down that fateful day.needless to say, pag nasa UP kasi tayo, the bar is higher so i was actually trying to be gentle but firm at the same time. padayon lang 8-) ma'am eileen
Post a Comment