Monday, February 13, 2006

LOST: $120

linggo ngayon..weird. enjoy ang araw ko.

maaga akong nagising, tas naligo tapos nagsimba pero 15mins lang ako tumayo sa simbahan. uy! hindi yan ang dahilan kung bat ako enjoy ah! siguro yan ang unang ko simba after 3 or 4 weeks. anu na bng nangyayari sa spiritual life ko?!

friends pa rin naman kami ni God..pero hindi na nga lang kami masyado gumigimik..you know, text text na lang. kaya nga kanina, nilubos ko na, kahit hindi namin inulit ang misa, nagdasal ako ng mataimtim kahit mukhang gulat na gulat ang nanay ko na lumuhod ako at pumikit. hindi niya siguro akalaing ganito nila ako pinalaki..haha.. salamat na lang sa kanila at may anna li sa mundo!

tapos, dumeretso naman kami sa pampanga. dati nababadtrip ako everytime umuuwi ako kasi walang alam sabihin ang mga tita ko kundi:

"oi anna li! tumaba ka na naman!"

pero kanina..masaya kasi..napatunayan ko na sa sarili ko na marunong na talaga akong mag-bike! tapos nambulabog pa kami ng orange na palaka at kumanta ako ng fall to pieces habang malakas na umiihip ang hangin sa mga tanim na palay at sa magnificent mt. arayat. nagbonding rin kami ng mga makukulit kong pinsan na all boys na angggwapo! pero siguro hindi sila nag-enjoy kasama ako kasi inaagawan ko sila ng bike! ahh basta! pati panghuhuli ng tutubi eh pintulan ko! ansaya talagang maging bata!

tapos, nag-highly intellectual talk din kami ng lolo at tito ko tungkol sa college stuffs. hayy..ansaya! perfect na sana kung hindi lang sana nawalan ng $120 ang tita ko! wah! grabe..grabe na ang materialistic drive ng mga tao sa ngaun. imagine, buong pamilya kaming andun tapos asa kwarto yung money...obviously, isa sa amin ang nagnakaw..at may vague idea kami kung sino. nahuhurt nga ako para dun sa taong yun kasi hindi siya nabigyan ng benefit of the doubt..kaso nga lang history repeats itself din..kaya parang siya nga talaga.

grabe talaga as in, kahit kasama na namin sa kotse yung taong yun, nagpaparinig pa rin yung tita at tito ko. gusto ko na nga silang patahimikin kaya sinabi kong:

"ako nga tita, nung nanakawan ako, nagpasalamat na lang ako kasi ako yung ninanakawan at hindi ako yung kinailangang magnakaw."

tumawa lang sila..tas tumahimik.

sayang..bibigyan pa naman sana ako ng tita ko na yun ng money pambili ng bag. wala na tuloy..hayy..

pero yung taong yun, alam ko andami rin niyang pinagdadaanang crisis. ansakit isipin kasi parang madalas ko ring kaasaran ang taong yun, but this time, naawa ako sa kanya. alam ko naman na hindi niya talaga nature ang magnakaw. kasalanan ito ng taong mahal niya ng sobra eh! NAKAKAINIS! walang puso yung taong yun! grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!

kaya kayo, pag mag-aasawa kayo, siguraduhin niyong mamahalin kayo ng totoo at tapat! hindi yung harap-harapan kaong lolokohin pero wala kaung choice dahil siya yung nagpapakain sa inyo. damnation!

paano naaatim ng taong iyon ang kasalanan niya!?!!?

nakakainis!
pag mayaman na ko, papatay ko yon eh! jowk!

bahala na si God sa kanila..it's none of my business..unless mawalan na naman ako ng pera!!

No comments: