ang gulo ng pilipinas.
sobrang puro pulitika na lang ang naririnig sa balita. ang hirap tuloy malaman kung sino yung totoong nagmamahal sa ating sordid nation.
naiirita na ako! lalo na kanina sa news nung nakita ko si Cory..lintik na aquino yan. nakakainis! kung humiling siya kay gloria na bumaba sa pwesto, akala mo andami niang nagawa para sa bayan. such a shame. tapos yung nag-kudeta sa kanya, yun rin naman ang nagkukudeta ngaun. so that means, pareho lang ng reklamo ang militar sa administrasyon niya at ni gloria. kaya wala
talaga siyang karapatan!
nakakainis pa yung mga taong mga mahihirap. suporta sila nang suporta kay erap or FPJ o kung sinu-sino pa, samantalang yung mga taong yun rin yung nagpapahirap sa kanila. nakukuntento sila sa mga bayad para mag-rally sila..hindi nila gets na imbis na para sa pulitika, dapat ang perang yun ang pang-livelihood programs, para sa mga long-term solutions sa poverty para matigil na ang panloloko ng mga ungas na yun.
nakakainis. bakit ba kailangang may extreme left at extreme right? naisip ko, siguro tama naman ang mga adhikain nila. kung iisipin ang mga taong yan eh matatalino pero bakit hindi nila ma-gets na hindi tama yung paraan na sinusuggest nila? well, ako rin walang maisip na tamang paraan eh. mahirap talaga. kaya habang tayong mga may mabuting nais para sa pilipinas ay nag-iisip ng tamang paraan, yung mga mapang-abuso naman ay nag-eenjoy sa pwesto nila.
grrrrrrrrrr..
kung iisipin, napakahopeless na ata. kasi kung aasa tayo sa batas, eh sino ba gumagawa ng batas? yung legislative na binubuo lang naman ng mga mayayaman at nagpapayamang mga pamilya. nakakainis! sila na lang ang yumayaman at umuunlad habang ang karamihan sa Pilipino eh nagugutom at nagmememorize na lang ng lasa ng pagkain kasi hindi sila maka-afford na kumain 3x a day. samantalang ang mga kongresista na inaidol ng masa, nagpapacater lang, galing pa sa europe ang chef! ahhhhhhhhhh! kainis!
pero sabi nga ng prof ko sa polsci14, let's not lose hope. kasi nga naman, hope na lang ang meron tayo. di bale, mamamatay rin ang mga nagpapabulok sa lipunan. kaya sana yung mga matitira, mahalin na ang Pilipinas.
sana, tuwing may gagawin ka, isipin mo muna kung makakabuti ba yun sa pilipinas. ha?