Friday, April 14, 2006

dream fest!

that is so great of you people. ignoring my post when it is too mushy.
hahaha.. honestly, salamat! you are encouraging me to stray away from such things. and even if you cant fully rob me off my right to be sentimental, at least i will not spill it here. at least.

ok, so let's get down to business.
kanina, sobrang dream fest ang tulog ko!

napanaginipan ko ang puerto galera at banana boat! wahaha.. natawa talaga ako kasi edi unang group daw muna yung sumakay tas part ng group na yon si kimie. tas sabi nia, akala lang daw madali pero napakahirap daw pag gumagalaw na! hahaha.. kinabahan tuloy ako! bka maulit ang trauma ko dahil sa ice skating eh. ewww!

anu p bang npanaginipan ko?
nakalimutan ko na pla yung iba. basta, habang nanaginip kasi ako, kinakabisado ko sila. kaso kasi anghaba na ng araw kaya nakalimutan ko rin. except ang panaginip na ito:

kasi may pwesto daw kami ni KATE sa divisoria. so weird. tas guess kung sinong customer namin?! si PARIS HILTON lang naman! wahaha.. tas inaapi-api daw namin siya. once nga may binili daw siya sa amin tpos binaba ko sa isang lalagyan yung shinopping niya tpos sabi niya sa akin na pasigaw kung bakit ko raw binaba yun dun. edi sinigawan ko rin siya na wag siyang maginarte dahil san ba siya nagsshopping, sa divisoria lang naman eh! tas edi yun nagtawanan kaming tatlo.

tas may second installment pa ang Paris Hilton dream namin. so parang naglakwatsa kaming 3 nila kate. ang-weird nga kasi parang laman ang diwa ko ng katawan ni Ashlee simpson tpos si kate ay nung isang finalist sa american idol.. hindi ko alam name eh. tas kumatok daw kami sa isang bahay tapos habang chinichika namin yung may-ari, pumuslit si Paris sa loob at nagnakaw ng 3 cherries! weird. o tapos bgo siya lumabas, nahuli siya kaya tumakbo kami.

last eksena with Paris. edi kumain naman daw kami tapos si kate, sabi nia may isshare daw siya. tas parang anseryoso nia talga. sbi ni kate, bababa daw from Baguio si lorine para kausapin kami na lumayo kay Paris. ayun..ewan angweird ah!

ay! naalala ko na ang pinakamahaba kong dream!

ayan pauwi na raw ako from sm tas nakatulog daw ako sa bus! at paggising ko, asa Valenzuela na raw ako. tas bumaba daw ako sa parang isang mall tas tinawagan ko si Papa para mgpasundo. edi pumasok muna ako sa mall. tapos naisip ko munang magbasa sa national bookstore. kaso, sa 2nd floor yung mga books. tas walang stairs sa loob ng store. so lumabas ako ng national at tinanaw kung san may stairs na malapit dun sa 2nd floor. tpos hindi ko mahanap yung stairs na nagllead sa 2nd floor ng national. kasi tuwing umaakyat ako, yung 2nd floor na napupuntahan ko ay isang lamay, as in patay. as in ilang beses nangyari yun. sobrang naffrustrate na nga ako eh! sa huli, hindi ko nakita yung tamang hagdan. pero nasundo rin ako ng tatay ko.

ayun..angweird.
well, yes, im that weird and i value strangeness!

No comments: