Saturday, December 02, 2006

moving out is hard to do.

napakanakakapagod. bukod pa dun ang nakakasakit ng ulo na amoy ng pintura. hayy..daming alikabok. daming iniimpake. daming nililinis. kelan kaya ako makakahiga at makakatulog ng maayos?

andami ko pang gustong gawin sa buhay ko ngayon. gusto kong magadvance reading sa mga subjects ko para this week eh mapagtuunan ko ng pansin ang pagpapaganda ng kwarto ko. gusto ko ng mural sa kwarto ko at sa ceiling. wait, mural pa ba ang tawag pag sa ceiling? basta ganun.

excited na rin ako sa pag-edit ng mga vintage clothes na napulot ko sa bahay na lilipatan namin. ang gaganda ng dresses at ng mga bags. yung iba from Paris pa sosyal. nung sinusukat ko sabi ni mama mukha raw akong mula sa ibang panahon. meron atang 3 black and white polka dot dresses. ansayaaaa..

at lalaki na rin ang kwarto ko. yey. amazing, sa buong bahay, sa kwarto ko lang may signal ang sun. kakaiba talaga ang sun.
hayy..kay raming pagbabago sa buhay ko. lipat-bahay at ang pag-alis ni kate. eh parang yun na nga buong buhay ko ah--- aral, lakwatsa, uwi. pero soon madadagdagan na yan. kailangang matuto at masanay sa buhay na wala ang mga bagay na nakasanayan.

it's time to grow
.

3 comments:

leoo said...

Ang galing. Ang pag-alis ni Kate ay nagbukas sa atin ng panibagong kabanata sa ating buhay. Sa akin din kasi eh maraming changes. O baka imagination ko lang. Naninibago kasi ako.

Hindi nga lang kabanata eh, isang bagong book pa nga eh. Bagong story. Parang Harry Potter series. Hehehehe.

hello there said...

onga leooo..lalo pa't pupunta na ako ng japan. hehehe

hannah said...

waw anali! may dresses talaga from paris? saya!! excited na din ako pintahan walls mo. hehe. ;D